PANGASINAN - Dinagsa ng mga turista ang pamosong white sand beach sa Barangay Patar sa Bolinao nitong Huwebes Santo.

Dahil dito, nanawagan ang Bolinao Tourism Office sa pubiko na huwag na munang puntahan nasabing tourist spot at maghanap na lamang muna ng ibang mapupuntahan matapos maitala ang maximum carrying capacity.

“As of 12:00 noon today April 14, 2022, Patar Public Beach already reached its maximum carrying capacity. Arriving visitors are advised to divert to other destinations,” ayon sa tourism office sa lugar.

Paliwanag ng Bolinao local government unit (LGU) hindi nila nakontrol ang pagdagsa ng mga turista mula sa iba't ibang probinsya nitong madaling araw pa lang ng Huwebes Santo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nilinaw pa ng LGU sa lugar na inuuna nila ang kapakanan at proteksyon ng bawat turista kung kaya't ipinaiiral nila ang 12-hour access sa pubic beach simula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.