Hindi pa natukoy sa bansa ang bagong coronavirus variant na tinatawag na Omicron XE, pagsisiguro ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules, Abril 13.

“As of the moment there are no results yet from the latest sequencing run of April. However, as of the latest run, we have yet to detect the recombinant variant ‘Omicron XE’ or any other recombinant variant for that matter,” sabi ng DOH sa isang pahayag.

Sinabi ng DOH na sinusubaybayan din nito ang mga development sa mga bagong sub-lineage ng highly transmissible Omicron variant—BA.4 at BA.5—habang kasalukuyang sinusuri ng World Health Organization (WHO) ang dalawang bagong variant na ito.

“Although there have been detected cases in South Africa, Botswana, Belgium, Denmark, and the UK, this should not be any cause of concern,” sabi nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“There are also early indications that these two sublineages are increasing as a share of genomically confirmed cases in South Africa. There are currently no reported spike in cases, admissions, or deaths, in South Africa,” dagdag nito.

Tiniyak ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na ang bansa ay aktibong nagsasagawa ng biosurveillance activities para matukoy ang mga variant ng concern.

“Tuloy-tuloy ang ating biosurveillance para makita natin kung nakarating na yung variant ngayon na bago at ano yung predominant variant sa ating mga kaso,” aniya.

Hinimok ni Cabotaje ang mga local government units na patuloy na magsagawa ng kanilang prevent, detect, isolate, treat, and reintegrate (PDITR) na mga estratehiya.

“Tuloy-tuloy pa rin ang paghahanda ng ating mga ospital, yung ating mga drugs, and yung ating mga bakunahan,” dagdag niya.

“Hindi tayo dapat magpakampante. Game changer has always been vaccination. Importanteng bakunado lahat. Tapos kung kailangan ng booster yung 18 years old and above, kailangan mag booster. Importante din yung mga senior citizens na magkaroon ng primary doses and mga booster,” pagpapatuloy niya.

Analou de Vera