Umabot na sa 113 ang naiulat na nasawi sa landslides sa Baybay City at Abuyog sa Leyte dahil ba rin sa pagbayo ng bagyong 'Agaton' kamakailan.

Sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) regional office sa lalawigan, 81 sa nabanggit na bilang ang nahukay sa mga barangay ng Baybay City at ang 32 naman ang natagpuang natabunan ng landslides sa Abuyog nitong Huwebes.

Karamihan sa mga bangkay ay nahugot sa barangay Mailhi, Bunga, Kantagnos, San Agustin, Maypatag, Pangasugan, Zone 21, Candadam, Caridad, Igang, Sto. Rosario, at Can-ipa villages, pawang sa Baybay City.

“The city has been placed under a state of calamity through an executive order signed on April 11 due to massive landslides and flooding. In Barangay Kantagnos, almost all houses are covered by mud,” pahayag naman ni Baybay Mayor Carlos Cari.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Sa Abuyog, natagpuan naman sa coastal area ng Pilar ang 29 sa 32 na bangkay.

Patuloy namang nagsasagawa ng search operations ang mga awtoridad sa pag-asang matagpuan pa ang 177 na nawawala sa Pilar.

“The entire 5th district of Leyte needs your help once more as many homes and livelihoods have been damaged, families and individuals are missing, and communication lines have been unstable due to major flooding and landslides across our district,” panawagan naman ni Leyte Rep. Carl Nicolas Cari.