FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija - Tatlong umano'y opisyal ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) na naka-base sa Central Luzon ang naaresto ng pulisya at militar sa Mabalacat, Pampanga nitong Miyerkules.
Sina Evelyn Muñoz, alyas Ched/Emy/Maye/Miray, secretary ng Communist Party of the Philippines-Central Luzon Regional Committee; Erlinda Lansang, alyas “Dahlia," miyembro at political instructor ng Komiteng Larangang Guerrilla Tarlac-Zambales (KLG-TARZAM) at Maria Theresa Buscayno, alyas Margarita Lansang at niyembro rin ng Central Luzon Regional Committee.
Paliwanag naman ni Philippine Army (PA)-7th Infantry Division (ID) commander, Maj. Gen. Andrew Costelo, ang pag-aresto ay isinagawa sa Purok 4,Brgy. Mauaque nitong Abril 13.
Dinakip si Muñoz sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng hukuman sa kasong murder.
Kumpiskado sa mga suspek ang isang Cal. 45; dalawang magazine, mga bala, ilang personal na gamit at ₱400,000 cash.