Nakakolekta ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 27.97 tonelada o sampung truck ng mga election campaign materials sa iba't ibang lugar sa Metro Manila sa ilalim ng "Operation Baklas" sa pangunguna ng Commission on Elections (Comelec) nitong Abril 11.
Tinanggal ang mga tarpaulins, posters, at iba pang election paraphernalia na nakasabit sa mga poste, puno, kawad ng kuryente, linya ng telepono, at mga puno gamit ang man-lifters.
AngMMDA, local government units, at Philippine National Police (PNP) ay katuwang ng Comelec sakanilang kampanya laban sa mga campaign materials na hindi sumusunod sa itinakdang pamantayan.
Matatandaang naging kontrobersyal ang nasabing kampanya ng Comelec matapos batikusin sa social media dahil sa pagkumpiska sa mga election campaign materials na nasa loob na ng mga private property.