Dinepensahan ni Janelle Jamer ang kaibigang si Optimum Star Claudine Barretto na tumatakbong konsehal sa Olongapo City, at nagdeklara ng kaniyang pagsuporta kay presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. o BBM.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/kandidato-ni-claudine-barretto-sa-pagkapangulo-bbm-po-ako/">https://balita.net.ph/2022/04/12/kandidato-ni-claudine-barretto-sa-pagkapangulo-bbm-po-ako/

"BBM PO AKO," saad sa caption ng kaniyang Instagram post. Makikita sa kaniyang campaign photo ang litrato ni BBM.

Isa sa mga nagkomento rito ang kaibigang si Janelle Jamer, na dating co-host ni Willie Revillame sa defunct noontime show ng ABS-CBN na 'Wowowee' noong 2005.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

"Yahooooo," saad nito, na may tatlong pulang heart emoticons.

Sina Claudine at Janelle ay matalik na magkaibigan. Ibinahagi ni Janelle sa kaniyang IG stories ang kasiyahan niya na pareho silang BBM-Sara supporter ni Claudine.

Claudine Barretto at Bongbong Marcos (Screengrab mula sa IG/Janelle Jamer)

Matapos nito, agad na nagtrending si Claudine sa Twitter, gayundin ang kaniyang pumanaw na ex-boyfriend na si Rico Yan, dahil 'idinadamay' pa umano nito ang pangalan ng aktor sa pagiging BBM supporter niya. Kumakalat ang screengrab ng tugon niya sa isang netizen sa Instagram, na sinasabi niyang matagal nang 'nilolook-up ng ex' sina Pangulong Rodrigo Duterte, ang anak nitong vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte, at si BBM.

Katwiran naman ng mga netizen, imposible raw iyon dahil ang yumaong lolo ni Rico na si Gen. Manuel Yan Sr. na naging Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. (tatay ni BBM) ay nagbitiw sa kaniyang tungkulin noong 1972, dahil hindi umano ito pabor sa Batas Militar.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/mga-netizen-sinita-si-claudine-wag-daw-kaladkarin-pangalan-ni-rico-sa-pagiging-bbm-supporter/">https://balita.net.ph/2022/04/12/mga-netizen-sinita-si-claudine-wag-daw-kaladkarin-pangalan-ni-rico-sa-pagiging-bbm-supporter/

Sa comment section ng IG post ni Clau, agad namang dumepensa si Janelle.

"Dami na naman bashers. Hehe diyan naman makikita kung paano tayo rumispeto sa kapwa natin at sa karapatan ng bawat isa. Di n'yo kailangan manira, mang-away at mambash. Yan ba ang gusto n'yo gayahin ng mga undecided voters? Ang maging mapanira oh maging bastos?" aniya sa comment section ng IG post ni Claudine.

"Kung may gusto kayo na iba, eh di kampanya n'yo nang maayos. Wag puro bash and negativity. Kasi sa dami ng pinagdadaanan ng bansa natin eh walang space para sa negativity. Matuto na lang tayo magrespetohan at iimprove ang mga sarili natin. Wag mapanghusga na akala n'yo ang pe-perfect n'yo," dagdag pa.

Noong Abril 5, may IG post din siya tungkol sa pagiging mapanghusga at mapagmalinis ng mga tao.

"Always stay positive and loving. Wag mabuhay sa galit, at inggit at wag manira ng kapwa para lang mai-angat ang sarili mo. Dahil ang pagbibida sa nagawa mo ay para naring panunumbat sa kapwa mo. Focus ka sa goal mo, focus ka para ma improve ang sarili mo. Tandaan mo na walang perpekto sa mundo, si God Lang ang mag jujudge sa lahat kasi sya ang tunay nakakaalam ng puso natin. Kaya iwasan natin magmalinis," aniya.

Screengrab mula sa IG/Janelle Jamer

Samantala, wala pang reaksyon, tugon, o pahayag si Claudine sa mga patutsada ng mga netizen sa kaniya sa Twitter. Habang isinusulat ito ay trending na rin ang pangalan niya.