Hinihiling ng Alliance of Health Workers (AHW) sa Professional Regulation Commission (PRC) na ma-revoke ang certificate of registration bilang physician ni Undersecretary Lorraine Marie Badoy dahil sa paulit-ulit umano niyang pagred-tag sa kanila.

Kinondena rin ng mga kasapi ng Makabayan bloc si Badoy, spokesperson ng National Task Force-To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), dahil sa ugali umano nitong akusahan sila bilang mga komunista.

Una rito, naghain ang AHW ng reklamong administratibo laban kay Badoy sa Office of the Ombudsman dahil sa pagred-tag sa kanila.

Sa reklamo sa PRC noong Lunes, sinabi ng grupo na nilabag ni Badoy ang code of conduct at ethical standards ng propesyong-medikal “through persistent, relentless red-tagging and vilification of AHW national leaders and the organization.”

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon kay nurse Cristy Donguines, pangulo ng AHW chapter sa Jose Reyes Medical center, ang pahayag ni Badoy laban sa kanilang grupo ay hindi kanais-nais.

“We are upset by this red-tagging issue. We are in the midst of a pandemic wherein we risked our lives and health in fighting the deadly virus. Many of our fellow health workers died in combating COVID-19 and yet we are being maliciously attacked and accused of being terrorists by Ms. Badoy and the entire NTF-ELCAC,” ayon kay Donguines.

Samantala sinabi ng Makabayan bloc sa pangunguna ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na walang tigil si Badoy sa pag-aakusa na sila ay mga komunista na hangaring ibagsak ang gobyerno.

Pinabulaanan ito ni Zarate at ng kasamahang mga kongresista.

Si Badoy na isang doktor ay nahaharap sa ilang reklamo dahil sa red-tagging — pagsasangkot sa mga lehitimong organisasyon at progresibong indibidwal sa mga grupong tulad ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).