Kahit malakas ang ulan, hindi natinag ang 95 taong gulang na "Marcos loyalist" sa pagdalo ng UniTeam grand rally sa Borongan City, Eastern Samar.
Agaw-pansin ang nanogenarian na si Alejandro Duzon sa naganap na grand rally. Nakatanggap pa siya ng special mention kay presidential candidate Bongbong Marcos Jr., nitong Biyernes, Abril 8.
Si Duzon, na nakasuot ng isang red pole shirt at pulang cap, ay nasa harapan at sentro ng mga tao na nasa entablado sa Borongan Plaza. Bukod dito, nakikipaglaban pa sa malakas na pag-ulan kaya't hindi maiiwasang hindi mapansin.
“Kailangan natin kilalanin ang VIP (very important person) ng mga Marcos loyalist…si Alejandro Duzon, 95 years old po. Nandito po sa harap, naiipit na dahil sa init ng salubong ninyo, ngunit nandito pa," ayon sa standard-bearer ngPartido Federal ng Pilipinas (PFP).
“Ninety-five years old–and he has been with the Marcoses all that time,” saad pa ni Marcos Jr.