CEBU CITY -- Nilinaw ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III nitong Huwebes na hindi sila sasali ng kanyang running mate na si Senador Panfilo Lacson sa anumang pagkakaisa para lang matalo ang isang kandidato.

Ginawa niya ang pahayag na ito dahil sa panawagan ng ilang sektor na dapat magkaisa umano ang mga kandidato upang pigilan na manalo si dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

“It has been on the table for weeks already. Well, it depends. Unity for who?” ani Sotto.

Sinabi ni Sotto magagawa lamang ang pagkakaisa kung ito'y para sa kanila ni Lacson ngunit kung ang unification ay para talunin ang isang kandidato, tatanggihan nila ito.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“We are running because we have a program. We are not running because we are against someone,” saad ni Sotto.

“If the unification is for me, it’s okay. But to unite just to defeat someone, I’m not like that,” dagdag pa niya.

Ang panawagan ng pagkakaisa ay mula sa Ikaw Muna Pilipinas (IMP) Visayas, na unang sumuporta kay Manila Mayor Isko Moreno bago lumipat kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Nick Malazarte, pinuno ng IMP-Visayas, na dapat lamang magkaisa ang ibang kandidato sa pagkapangulo at suportahan si Robredo upang mapigilan na maging presidente si Marcos Jr.

Ipinaliwanag ni Sotto na hindi sila umaatras ni Lacson dahil sa kanilang konkretong plataporma ng pamamahala.

“I know we have the competence, I have the solutions,” ani Sotto.