Mahigit 3,385,924 indibidwal na ang nabakunahan laban sa COVID-19 vaccine sa lungsod ng Maynila.

Ito ang inanunsyo ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Isko Moreno nitong Sabado, Abril 2.

Kasabay nito, binigyan din ng komendasyon ni Moreno ang lahat ng taong nasa likod ng vaccination efforts sa lungsod.

Ayon kay Moreno, hanggang alas-6:00 ng gabing Marso 28 ay pumalo na sa naturang bilang ang nabigyan ng bakuna sa Maynila.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Keep it up, Team Manila!” kasabay nang papuri ni Moreno kina Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan.

Tiniyak naman ni Moreno na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng bakuna sa lungsod kahit hindi taga-Maynila o maging ito ay mga walk-in sa iba't ibang vaccination sites.

Pinaalalahanan rin ni Moreno ang publiko na patuloy na mag-ingat sa kabila na bumababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Paalala pa niya, dapat na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask at pag-obserba sa minimum health protocols upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.