Nanawagan ng imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso si Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat laban sa mga "big-time" na personalidad sa gobyerno na umano'y sangkot sa agricultural smuggling.

Ayon kay Cabatbat, dapat tingnan ng Department of Agriculture (DA) ang problema sa smuggling, partikular ang pagkakasangkot ng mga opisyal mula sa Bureau of Plant Industry, na para bang sila ay pinoprotektahan.

""We will continue collecting evidence and witnesses that will expose the corruption in the Bureau of Plant Industry that we believe is the root cause of smuggling in the country," ani Cabatbat.

Naghain na ng resolusyon si Cabatbat na nananawagan ng congressional inquiry sa status ng pagpapatupad ng border inspection at food safety regulations, sa state of border inspection facilities sa bansa.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Layunin din ng resolusyon na tingnan ang kakayahan ng gobyerno na sugpuin ang smuggling ng mga imported na gulay at iba pang agricultural commodities sa bansa.

Aniya, "The country's importation policies and ineffective border regulations enable the proliferation of smuggling activities that directly threaten the income of Filipino vegetable farmers and endangers the health and safety of consumers."

Giit pa niya, kinakailangan para sa Kongreso na pigilan ang "economic sabotage," partikular na ang malakihang pagpupuslit sa agrikultura, at gamitin ang tungkulin nito sa pagbabantay sa pagtiyak ng epektibong pagpapatupad ng kaligtasan ng pagkain at mga batas na may kaugnayan sa pag-import upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka, matiyak ang kaligtasan ng pagkain para sa mga mamimili, at mapabilis ang pagbawi ng ekonomiya sa pamamagitan ng pinabuting koleksyon ng kita sa taripa.

Sa isang pagdinig ng Senado noong Lunes, kinumpirma ni DA Assistant Secretary Federico Laciste Jr. na ilang matataas na personalidad ang tumawag sa kanya para pagbigyan ang technical smuggling.

BASAHIN: ‘Big time’ personalities ng agri smuggling, nakuha pang tumawag para humingi ng pabor — DA exec

Samantala, kinondena ni DA Secretary William Dar ang nasabing hindi pinangalanang matataas na personalidad at ang iligal na pagpasok ng ilang produktong gulay,

“We condemn whoever these personalities are, and we at DA will act swiftly and decisively to reprimand those involved among our ranks, officials, and staff. If found guilty, we will file the appropriate administrative charges against these individuals… I condemn this dastardly act of smuggling and smugglers in general," ani ng kalihim.