Kahit mahigit sa isang buwan na lamang bago idaos ang eleksyon sa Mayo 9, wala pa ring iniindorso si Pangulong Rodrigo Duterte na kandidato sa pagka-pangulo.
Sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng national and regional task forces to end the local armed conflict sa Lapu-lapu City, aminado ang Pangulo na wala siyang sinusuportahang kandidato para sa nasabing posisyon.
"I am not endorsing any presidential candidate. Neutral ako," pagbibigay-diin ng punong ehekutibo.
Inilabas ni Duterte ang reaksyon bilang tugon sa pag-endorso ng administration party na PDP-Laban kay presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kamakailan.
Matatandaang kumalat sa social media ang litrato ni Duterte, kasama si Marcos matapos ang pagpupulongng mga ito ilang araw na ang nakararaan.
Katambal ni Marcos sa pagkandidato ang anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Carpio na tatakbo namang bise presidente.