Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na tatanungin nito ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kung bakit hindi pa umano nito sinisingil ang₱640 milyong buwis ng online sabong kada buwan.

Sa kanyangprerecorded Talk to the People, paliwanag ni Duterte na hindi na kailangan ng Malacañang na magpaalala sa BIR upang mangolekta ng buwis.

“Hindi naman kailangan ngremindersaMalacañang.Nandiyan ‘yungBIR,so tanungin natin ‘yangBIRbakit hanggang ngayon hindi nakolekta ‘yungestate tax," ayon sa punong ehekutibo.

Milyun-milyon aniya ang kinikita ng gobyerno sa industriya ng e-sabong na dalawang taon na nag-o-operate.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“Hindi ko ho hininto kasi kailangan ng pera sae-sabong ng gobyerno.I’llmake it public now, it’s₱640million a month. And in a year’s time, it’s billion plus.Saan tayo maghanap ng pera ng ganoon na kadali na siguro," aniya.

Sa nakaraang Senate investigation kaugnay ng pagkawala ng 34 na sabungero nitong Marso 21, binatikos ni Senator Francis Tolentino ang BIR atPhilippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) dahil sa umano'y pagkabigong singilin ang 20 porsyento ng kita ng e-sabong.

Nauna na ring inihayag ng kaalyado ni Duterte na si Senator Ronald Dela Rosa na pag-aaralan ng mga senador ang mungkahing ilipat na lamang sa Kongreso ang pagbibigay ng permit para sa e-sabong.

Sa kasalukuyan, pinangangasiwaan ng Pagcor ang pagbibigay ng permit sa online sabong sa bansa.

PNA