Nagsagawa ang mga miyembro ng Divisoria Public Market Credit (DPMCC) Cooperative ngayong araw, Marso 30, ng isang protesta sa isang press conference na ginanap sa loob ng Philippine Columbian sports club sa Paco Manila.
Laman ng mga placards ang mga hinaing ng ilang tindero sa Divisoria Public Market hinggil sa pagbenta ni Manila Mayor Isko Moreno sa nasabing pamilihan upang makalikom ng pondo ang lungsod para labanan ang Covid-19.
Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Resolution No. 180, ay nag-alok ng Divisoria Market para sa pampublikong auction
Ang nalikom mula sa pagbebenta ay ginamit para pondohan ang Action Plan ng pamahalaang lungsod laban sa COVID-19 at iba pang serbisyo at programa ng lungsod.
BASAHIN: Mayor Isko, ibinenta ang Divisoria Public Market upang makalikom ng pandemic funds
“Hangga’t maaari may paggalang ako sa mga namatay na eh, but the data will show that it’s his father who did it to expose the city government in a very gravely disadvantageous situation,” ani Domagoso sa isang panayam sa Gingoong, Misamis Oriental ngunit wala itong binanggit na pangalan.
Sabay sa pag-alma ng mga tindero, naging usap-usapan kamakailan na ihahabla umano ng mga vendor ang alkalde at iba pang tauhan ng Manila City Hall dahil sa pagbebenta ng Divisoria Public Market.
BASAHIN: Mayor Isko, kakasuhan daw ng vendors sa Divisoria?
Matatandaan na sinabi rin ni Domagoso na handa siyang ibenta ang mga umano’y nakatiwangwang na ari-arian ng gobyerno upang makakuha ng pondo para matugunan ang kagutuman at para makagawa ng mga proyektong mapapakinabangan umano ng publiko, sakaling mahalal bilang pangulo.
BASAHIN: Mayor Isko, handang ibenta ang lahat maski ang city hall
“In the future, for example, may assets o ari-arian ang gobyerno na nakatiwangwang, at ang tao gutom. Hindi naman realtor ang gobyerno eh. Kapakinabangan ba ito ng tao? Hindi. Kapakinabangan ng mga kumare at kumpare na malapit sa politiko,” ani Domagoso noong Linggo, Marso 27 sa inagurasyon ng Tondominium 2.