Sinabi ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Lunes, Marso 28, na ibinenta ang Divisoria Public Market upang makalikom ng pondo ang lungsod para labanan ang Covid-19 pandemic.

“Hangga’t maaari may paggalang ako sa mga namatay na eh, but the data will show that it’s his father who did it to expose the city government in a very gravely disadvantageous situation,” ani Domagoso sa isang panayam sa Gingoong, Misamis Oriental ngunit wala itong binanggit na pangalan.

“As of now we're happy, nakagawa kami ng paraan," dagdag pa nito at binanggit ang pagtatayo ng Basecommunity, ayuda na ibinibigay sa Manilenos, gayundin ang pagbili ng mga gamot at kagamitan para sa Covid-19.

Nanindigan din ang Manila Mayor na walang ilegal na aksyon sa pagbebenta ng pampublikong pamilihan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Wala akong kaso. You can check. May mga akusasyon, but cases did not prosper at all.. I survived 24 years of my life in public service. So far wala namang illegal.”

Naging usap-usapan kamakailan ang umano'y pagbabanta ng mga vendors sa Divisoria na kakasuhan nila si Manila Mayor Isko Moreno at iba pang tauhan ng Manila City Hall dahil sa pagbebenta ng Divisoria Public Market.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/mayor-isko-kakasuhan-daw-ng-vendors-sa-divisoria/

Matatandaan na sinabi rin ni Domagoso na handa siyang ibenta angmga umano’y nakatiwangwang na ari-arian ng gobyerno upang makakuha ng pondo para matugunan ang kagutuman at para makagawa ng mga proyektong mapapakinabangan umano ng publiko, sakaling mahalal bilang pangulo.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/29/mayor-isko-handang-ibenta-ang-lahat-maski-ang-city-hall/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/29/mayor-isko-handang-ibenta-ang-lahat-maski-ang-city-hall/