Milyun-milyong tao sa financial hub ng China ang natatali sa loob ng kani-kanilang mga tahanan habang ang silangang kalahati ng Shanghai ay isinailalim sa lockdown upang pigilan ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa China.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, magsasagawa ito ng two-phased lockdown sa lungsod ng humigit-kumulang 25 milyong katao upang magsagawa ng mass testing.
Sinikap ng gobyerno ng China na iwasan ang uri ng mga hard lockdown na regular na naka-deploy sa ibang mga lungsod ng kanilang bansa, sa halip ay pinili ang mga rolling localized lockdown, sa pagsisikap na protektahan ang ekonomiya ng Shanghai.
Matatandaan na ang Shanghai nakaraang linggo ay naging Covid hotspot ng China, at nakapagtala pa ito ng record high na may 3,500 bagong kumpirmadong kaso nito Marso 28.
Ang lugar na isinara noong Marso 28 ay ang malawak na silangang distrito na kilala bilang Pudong, na kinabibilangan ng pangunahing internasyonal na paliparan at kumikinang na distritong pinansyal.
Ang lockdown ay tatagal hanggang Biyernes, Marso 31.
Ang China ay higit na pinananatiling kontrolado ang virus sa nakalipas na dalawang taon sa pamamagitan ng mahigpit na zero-tolerance na mga hakbang na kasama ang malawakang pag-lock sa buong lungsod at lalawigan para sa kahit maliit na bilang ng mga kaso.