Muling hinimok ng isang health expert ang pambansang pamahalaan na paigtingin ang programa ng pagbabakuna ng bansa laban sa Covid-19, at ipinunto na ang pagbabakuna ay may mahalagang papel sa pagtiyak ng kaligtasan laban sa sakit.
Sa isang Facebook post ni reform health advocate at dating former special adviser of the National Task Force (NTF) against Covid-19 Dr. Anthony “Tony” Leachon, sinabi niyang dapat muling bisitahin ng bansa ang mga plano nito at pabilisin ang pagbabakuna sa Covid-19 at mga booster programs.
“The government should step up the vaccination and booster programs [in the Philippines]. We have seen surges in Europe, China, South Korea, Hong Kong [and other territories abroad]. Remember the full vaccination is three doses according to the [Centers for Disease Control and Prevention] (CDC),” ani Leachon nitong Linggo, Marso 27.
Ipinapakita rin ng mga pag-aaral na ang pagbaba ng immunity sa sakit ay maaaring mangyari apat na buwan pagkatapos ng inoculation. Ito, ayon kay Leachon, ay maaaring magdulot ng "possible resurgence" ng mga impeksiyon.
Ang muling pagdami ng impeksyon sa Covid-19 ay hindi lingid sa panahon ng pandemya dahil ito ay naobserbahan na sa ilang mga bansa sa buong mundo.
Samantala, habang patuloy na bumababa ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa, ilang institusyon sa Pilipinas ang nagpahayag ng kanilang mga plano na magsagawa ng mga in-person classes sa 2022.
“Face to face classes are dependent on full primary vaccination. We should revisit our plans to hasten the [country’s] vaccination program. The pandemic is not over, [that is why] we should not be complacent,” dagdag ni Leachon.
Ipinakita ng National Covid-19 Vaccination Dashboard ng Department of Health (DOH) na noong Marso 9, 2022, may kabuuang 63,992,620 indibidwal sa Pilipinas ang nakatanggap ng dalawang dosis ng bakuna, habang 10,675,663 Pinoy pa lamang ang nakatanggap ng kanilang booster shots.
Charlie Mae F. Abarca