Kasalukuyang tinitingnan ng mga health expert sa bansa ang posibilidad na gawing taunan ang COVID-19 vaccination, sinabi ng isang opisyal ng Department of Health (DOH).

“Tinatantiya po ng ating mga eksperto na magiging parang trangkaso na lang. Hindi ba sa trangkaso mayroon tayong tinatawag na yearly flu shot,” ani DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang public briefing nitong Sabado, Marso 26.

“Pag nagkataon yan, baka kailangan taunang bakuna, titingnan din kung lahat ba ng population o yung high risk at vulnerable lamang,” dagdag niya.

Ang pagpapalawak ng Covid-19 vaccination program ay bahagi ng 10-point agenda ni Pangulong Duterte na naglalayong mapanatili ang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas, ani Cabotaje.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Ang isang prinsipyo diyan ay iyong accelerate and expand the vaccination program. So nakaayos na rin iyong mga kailangang gawin ng iba’t ibang ahensiya. Alam naman natin ang bakunahan ay whole-of-government, whole-of-society kasama na ang private sector,’ ani Cabotaje.

“So kailangan natin na palawakin iyong ating mga bakuna center, ilapit iyong mga bakuna center o papuntahin sa mas malapit na bakuna center iyong ating mamamayan, mas mapabilis at mapadali natin iyong mga procedure para magpabakuna sila at alisin natin iyong mga hindi kailangan na restrictions,” dagdag niya.

Analou de Vera