Patay sa sunog ang isang 3-anyos na lalaki nang hindi makalabas sa nasusunog na bahay sa Caloocan nitong Miyerkules ng hapon.

Sa pahayag ni Edmar Francisco, 42, dinig na dinig pa niya ang pagsigaw at pag-iyakng kanyang anak na humihingi ng tulong habang nasa loob ng nasusunog nilang bahay sa Pampano Street, Barangay 14, dakong 1:56 ng hapon.

“May nakaharang na nagliliyab na foamng kama namin dun sa dadaanan ko kaya hindi agad ako nakapasok,” pahayag ni Francisco.

Gayunman, nagpumilit pa rin umano siyang pumasok sa nasusunog na bahay.

Metro

Tatay na umano'y nambugbog, sugatan matapos gantihan at saksakin ng anak

Dahil sa malakas na apoy ay agad din itong lumabas ng bahay at hindi nailigtas ang anak.

Idinahilan din ni Francisco, nasa compound lamang umano ito at gumagawa ng kama nang tawagin siya ng pamangkin kaugnay ng insidente.

Sa paunang ulat naman ngBureau of Fire Protection (BFP), naapula na nila ang sunog na umabot sa unang alarma dakong 2:30 ng hapon.

Aabot sa 27 indibidwal ang naapektuhan ng insidente.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang sanhi nito at halaga ng natupok na ari-arian.

Kaugnay nito, umaapela naman si Francisco sa Caloocan City government upang matulungan ang kanyang pamilya.