Niyanig ng 5.4-magnitude na lindol ang bahagi ng Cagayan nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Dakong 8:02 ng gabi nang maitala ang sentro ng pagyanig sa layong 46 kilometro hilagang silangan ng Camiguin Island, Calayan sa Cagayan o 20 kilometro hilagang silangan ng Aparri.
Ipinaliwanag ng Phivolcs na tectonic ang sanhi ng pagyanig o ang paggalaw isang active fault na malapit sa lugar.
Lumikha rin ito ng 9 kilometro lalim. Naitala rin ang Intensity III sa Gonzaga, Cagayan; at Intensity II sa Claveria, Cagayan at Pasuquin sa Ilocos Norte.
Bahagya namang naramdaman ang Intensity Isa Laoag City sa Ilocos Norte.
Binalaan din ng Phivolcs ang publiko sa posibleng aftershocks nito.