Trending si ABS-CBN news anchor Karen Davila nang kumalat sa social media, partikular sa Twitter, ang mga litrato kung saan makikitang nakasakay siya sa sasakyan kung saan nakalulan si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. para sa caravan ng UniTeam sa Cavite, ngayong Marso 22, 2022.
Makikitang nakasuot ng asul na damit si Davila habang kumukuha naman ng mga litrato sa paligid gamit ang kaniyang cellphone.
Naintriga ang mga netizen kung ano ang ginagawa ni Davila sa caravan ng UniTeam.
"Ay madam, BBM-Sara po ba kayo? Puwede na ba mag-endorse ang mga news anchors?"
"Karen Davila is making a vlog and a news feature! That’s her as a real journalist! Kaya wag feeling endorsement! She already did a vlog on VP Leni last year!!!"
"BiG deal para sa mga BBM supporters na nagpunta si KAREN DAVILA sa Cavite!
@iamkarendavila is a journalist and surely she is doing work! She is always taking video so maybe this is for her VLOG or a news report!!!"
"Why is Karen Davila present in the caravan of BBM? Ano po meron? Enlighten me please."
Agad namang nag-tweet si Karen Davila bandang 11:52AM at ipinaliwanag kung bakit nga ba siya kasali sa caravan ni BBM sa Cavite.
"ABSCBN’s Kampanya Serye On The Road & Presidential Intvws shoots today. I have been assigned to trail Presidential Aspirants Bongbong Marcos & Sen Manny Pacquiao," aniya.
"Henry Omaga Diaz is covering VP Leni Robredo & my co-anchors have been assigned to other candidates. #Halalan2022."