Todo-tanggi ang Department of Transportation (DOTr) sa alegasyon ni vice presidential candidate Walden Bello na nahaluan ng korapsyon ang implementasyon ng public utility vehicles (PUV) modernization program (PUVMP).

Sa pahayag ng DOTr nitong Lunes, Marso 21, ipinakikita lamang umano ni Bello ang kamangmangan nito sa PUVMP nang ipahayag nito sa PiliPinas Debates 2022 nitong Linggo.

Sinabi ng DOTr, layunin ng programa na gawing moderno ang PUVs at ang sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Sa alegasyon ni Bello, pinagsama na lamang umano sa tatlong bus company ang pagpapatupad ng PUV modernization sa Davao City at nagkaroon din umano ng korapsyon sa Davao City Coastal Road project.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Tugon naman ng DOTr, aabot sa 1,659 ang transport corporations at kooperatibang nag-o-operate sa buong bansa.

Sa public utility buses pa lamang, aabot na sa 131 consolidated operators.

“We categorically deny Mr. Walden Bello’s accusations of corruption in thePUVMP. It is also not true that the whole PUV system has been consolidated into three bus companies,” banggit pa ng DOTr.

PNA