Tinamaan ng magnitude 5.0 na lindol ang bahagi ng Leyte nitong Lunes ng madaling araw.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig sa layong 10 kilometro timog kanluran ng Burauen sa Leyte, dakong 12:39 ng madaling araw.
Naramdaman din ang Intensity V sa Ormoc City, at Pastrana sa Leyte habang Intensity IV naman sa Abuyog, Palo at Tacloban City.
Tumama naman ang Intensity III sa Alangalang at Carigara sa Leyte; at sa Sogod, Southern Leyte; Intensity II sa Calubian, Leyte; at San Francisco sa Cebu habang Intensity I sa Lapu-lapu at Argao City sa Cebu.
Walang inaasahang nasalanta, gayunman, nagbabala ang Phivolcs sa inaasahang aftershocks nito.