Hindi nagpatumpik-tumpik na napa-react ang showbiz columnist at certified Kakampink na si Ogie Diaz sa dating news anchor na si Jay Sonza, matapos nitong patutsadahan si presidential candidate at Vice President Leni Robredo, sa napabalitang sumakay ito sa isang bangka nang magtungo ito sa Zamboanga, para sa nakatakdang People's Rally ng Leni-Kiko tandem.

Ayon sa Facebook post ni Sonza noong Marso 18, sakay umano si 'Leonor' (VP Leni) ng isang yate, nag-speed boat, at nang nasa Basilan na ay nakabangka na lamang.

Screengrab mula sa FB/Jay Sonza

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

May be an image of 5 people and body of water
Screengrab mula sa FB/Jay Sonza

"Umalis mula Zamboanga ang grupo ng naka-Yate at speed boat. Pagdaong sa Basilan naging bangka iyong mga sinakyan.

Namamalik-mata ba ako o bigla lang akong nasalamangka?," aniya, kalakip ang litratong ibinahagi sa social media ni Jervis Manahan, ABS-CBN reporter.

"Dati-rati sa Luzon, umalis ng bahay ng naka-kotse, Dumating rally ng nakahabal-habal (motorcycle) na nakatsinelas

at walang suot na helmet iyong nagmaneho ng motor."

"Iba ka talaga Maria."

"Bukod tangi ka nga."

"BP na, magician pa."

Hindi naman ito pinalagpas ni Diaz, na hindi na bago ang pakikipagpatutsadahan kay Sonza.

"NAIBA NA ANG TINGIN TALAGA NI JAY SONZA. ANG TAGAL NA NIYANG HINDI NAGPAPA-CHECK UP NG MATA. SAMA MO NA PATI UTAK. NABUBULAGAN NA. KAWAWA NAMAN," ayon sa showbiz columnist.

Screengrab mula sa FB/Ogie Diaz

Matatandaang nauna na itong pinuri ng beteranong aktor at TV host na si Edu Manzano na isa ring certified Kakampink. Aniya, kapuri-puri umano si VP Leni sa katapangang ipinamalas nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/17/edu-pinuri-si-vp-leni-ive-traveled-by-boat-to-basilan-a-number-of-times-but-never-at-night-tapang/