SAN MIGUEL, Bulacan– Nanawagan na sa gobyerno ang libu-libong magsasaka sa Central Luzon ng tulong na itaas ang presyo ng palay bunsod na rin ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Sa pahayag ni Federation of Central Luzon Farmers' Cooperatives chairperson Simeon Sioson, napipilitan na silang magbenta ng palay sa mga negosyante dahil aabot lamang sa₱19.00 kada kilo ng palay ang alok ng National Food Authority (NFA).

Kaagad aniya nilang ibinebenta ang ani nilang palay sa mga negosyante upang hindi na sila gumastos pa sa pagbibiyahe nito sa drying facilities kaya napupunta lamang umano sa mga private traders ang kanilang kinikita.

Lalo aniyang naghihirap ang mga magsasaka dahil sa laki ng kanilang ginagastos sa pagsasaka.

Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep

Sa panig naman ng NFA sa Bulacan, sinabi ng manager nito na si Sheryl Gamboa, aabot na sa₱19.00 hanggang₱22.00 kada kilo ang bili nila para sa tuyong palay.

Apela pa ni Sioson sa gobyerno, panahon na upang pag-aralan ng mgaagriculture economic managers ang kanilang suporta sa mga magsasaka at dapat gawing₱23 kada kilo ang alok sa mga ito.