Dapat na mabahala ang pamahalaan sa pagpasok ng isang Chinese militay ship sa karagatan ng Pilipinas, ayon sa isang kongresista.
Paliwanag niPuwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles, blangko pa rin ang Philippine government sa tunay layunin ng nasabing Chinese Navy ship na namataan sa binisidad ng Sulu Sea, malapit lamang sa silangang bahagi ng Palawan.
Pangamba ng kongresista,maaaring ito ay isang pagsubok sa border security ng bansa sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.
Aniya, hindi na dapat bale-walain ito ng pamahalaan dahil noon ay pumasok na rin ang mga barko ng China saexclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Ito na aniya ang unanginsidente na isang Chinese military ship ang naispatan sa territorial waters ng Pilipinas.
"This incident is a serious provocation because it happened at a time when the Philippines is having a joint militaryexericisewith the United States dubbed Marine Exercise 2022 (MAREX 22)," ani Nograles.