Malulusutan kaya ng Barangay Ginebra ang twice-to-beat advantage ng TNT Tropang Giga upang tuluyang makapasok sa seminafinalround ng PBA Season 46 Governors' Cup?
Ito ang tanong ng mga fans ng nasabing koponan sa pagsisimula ng pakikipaglaban nito sa Tropang Giga sa Smart-Araneta Coliseum ngayong Miyerkules, dakong 6:00 ng gabi,
Dahil dito, ingat na ingat si TNT coach Chot Reyes sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng karapatan na kailangan muna silang talunin ng dalawang beses ng Ginebra upang makakuha ng semis spot ang huli.
Sa huling laro ng TNT, tinalo nila ang NorthPortBatang Pier via overtime, 106-101 upang makuha ang ikatlong puwesto siya itinakda ang tunggalian nila ng Gin Kings.
“Nagpapakamatay pa manalo para makalaban Ginebra.But I think it prepares us for the tougher gamesahead especiallyour next game as we enter the playoffs. We know that our games will be similaras this,” ayon kay Reyes.
Nitong Pebrero 18, tinalo ng TNT ang Ginebra sa kanilang elimination round.
Gayunman, tiwala naman si Gin Kings coach Tim Cone na magagapi nila ang TNT at inihalimbawaniya ang huli nilang laro kung saan pinatumba nila ang Rain or Shine, 104-93 noong Marso 6.
“We’ve been trying to take advantage of each day we’ve had to prepare. We know we have an uphill battle, but the guys feel they are playing better of late and their confidence is high. Justin (Brownlee), too, is playing better. We’ll be ready,” dagdag pa ni Cone.