Number 1 nanaman sina dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte sa Pulse Asia survey results na inilabas nitong Lunes, Marso 14.

Ang survey na isinagawa mula Pebrero 18-23, 2022 ay nakitang napapanatili ni Marcos ang kanyang pangunguna sa 60% ng mga respondent sa buong bansa na pumipili sa kanya bilang susunod na pangulo ng Pilipinas kung ang halalan ay magaganap sa panahon ng survey.

Pangalawa naman si Vice President Leni Robredo na may 15% ng mga respondent.

Ang latest survey na ito ay may 2,400 respondents na may edad 18-anyos pataas at rehistradong botante. 

Ang iba pang kandidato ay sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (10 percent), Senator Manny Pacquiao (8 percent), Senator Panfilo Lacson (2 percent), businessman Faisal Mangondato (0.4 percent), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) chair Leody de Guzman (0.1 percent), at cardiologist Jose Montemayor Jr. (0.01 percent).

“Former Presidential Spokesperson Ernesto Abella and former Department of National Defense (DND) Secretary Norberto Gonzales receive essentially no support from the country’s electorate,” saad ng Pulse Asia.

“The rest of likely voters are still undecided about their choice for president in May 2022 (3 percent), refuse to identify their preferred presidential bet (0.4 percent), or are not inclined to vote for any candidate for the post (1 percent),” dagdag pa nito.

Samantala, nanguna rin ang running mate ni Marcos na si Sara Duterte na may 53% habang 24% naman si Senate President Vicente Sotto III. 

Humigit-kumulang 11% naman ang boboto kay Senador Kiko Pangilinan. 

“Two vice-presidential candidates register single-digit voter preferences, namely, Dr. Willie Ong (6 percent) and Buhay Party-List Representative Jose Atienza Jr. (1 percent),” anang Pulse Asia

“The other candidates obtained less than 1 percent voting support: Mr. Emmanuel Lopez (0.1 percent), former Akbayan Party-List Representative Walden Bello (0.1 percent), and Atty. Carlos Serapio (0.01 percent). Mr. Rizalito David receives essentially no support from the country’s electorate,” dagdag pa nito.

Gayunman, sinabi rin ng Pulse Asia na 4% ng mga respondents ang undecided.