Umabot na sa 30.55 percent completion rate noong nakaraang buwan Ang P488.48 billion Metro Manila Subway Project (MMSP), inihayag ng Department of Transportation(DOTr) nitong Martes, Marso 8.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan na ang mabilis na pag-usad ng konstruksyon ay maiuugnay din sa pakikipag-ugnayan sa local government unit ng Valenzuela City para sa relokasyon ng 183 informal settlers.

Idinagdag ni Batan na ang pagkuha ng 197,000 square meters ng lupa at 585 na istruktura mula sa 324 property owners; at ang patuloy na paggawa ng pre-cast concrete tunnel rings sa 7.5-hectare Fabrication Yard sa Norzagaray, Bulacan ay nagpabilis din sa proseso.

“All in all, leading to an overall project completion rate of 30.55% for the Metro Manila Subway Project as of February 2022,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa isang pahayag, binanggit din ni Batan ang taunang pagbuo ng proyekto, simula sa 27 bilyong kontrata para sa 240 subway train cars patungo sa Sumitomo Corp. at Japan Transport Engineering Co. (J-Trec) Joint Venture noong Disyembre 2020, at ang P66 bilyong kontrata para sa mga electromechanical system ng subway sa Mitsubishi Corporation noong Oktubre 2021.

Noong Pebrero 2021 din, dumating ang unang 2 sa 25 tunnel boring machine ng subway.

Ang subway ay magbibigay ng mass transit sa National Capital Region (NCR) mula Valenzuela City hanggang FTI sa Taguig City, Parañaque City, at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, at lalawak pa sa North at South zones ng rehiyon.

Ayon sa DOTr, tinatayang 36 kilometro ang haba ng Phase 1 route na may 30-ektaryang depot, kung saan makikita ang Philippine Railways Institute (PRI) sa Valenzuela City.

Idinagdag nito na ang Metro Manila Subway ay magkakaroon ng 17 istasyon, ito ay ang East Valenzuela, Quirino Highway, Tandang Sora, North Avenue, Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Camp Aguinaldo, Ortigas, Shaw, Kalayaan, BGC, Lawton Station, Senate, FTI , Bicutan, at NAIA Terminal 3.

Kapag operational na, babawasan nito ng 35 minuto ang biyahe sa pagitan ng Quezon City at NAIA.

Faith Argosino