Sabay sa paggunita ng 13th death anniversary Francis Michael Magalona, o mas kilala bilang si "Francis M.," sinabi ng anak nitong si Saab na kung buhay pa ito ay magpe-perform ito sa mga rally ni Bise Presidente Leni Robredo.
"She was thinking maybe it was still a better candidate than Marcos or Duterte. I advised her against it. Sabi ko tatakbo si Leni. Fast forward to today. If my dad were here, he’d be performing at her rallies. #LeniKiko2022: ITO ANG GUSTO KO!!" tweet ni Magalona.
Pagbubunyag pa ni Magalona na may isang presidential aspirant na nagpaalam sa kanila kung maaari ba nitong gamitin ang kanta ni Francis M sa kampanya nito.
Dagdag pa niya, pinagdiskusyunan nito ng kanyang ina dahil sumusuporta sila kay Robredo ngunit noong mga oras na iyon ay hindi pa nagpahayag ng pagtakbo si Robredo sa pagka-pangulo.
"Today marks the 13th year since my dad’s passing. Before the filing of candidacy, a presidential aspirant asked if they could use this FrancisM song for his campaign. My mom and I discussed. We wanted Leni but she hadn’t announced her candidacy yet." ani Magalona sa kanyang quote retweet ng isang clothing shirt.
Noon pa man, matapang na sumusuporta si Magalona kay Robredo dahil naniniwala itong maaalagaan ang kinabukasan ng lahat kung mahahalal bilang pangulo si Robredo.
"Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong Tapat, maaalagaan ang kinabukasan ng lahat," pahayag ng pagsuporta ni Magalona.