Nag-react ang ABS-CBN scriptwriter, at nominee ng Kapamilya ng Manggagawang Pilipino party-list na si Jerry Gracio sa naging pahayag niCavite 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla na "hakot at bayad" ang mga dumalo sa isang campaign rally sa Cavite noong Biyernes, Marso 4.

Sinabi ni Gracio sa kanyang Twitter post nitong Linggo, Marso 6, na malaking insulto umano sa mga Caviteño ang naging pahayag ni Remulla na binayaran at hinakot ang mga umattend sa campaign rally noong Marso 4.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

https://twitter.com/JerryGracio/status/1500260630120464384

Nitong Sabado, Marso 5, sinabi ni Remullana ang mga pumunta sa isang campaign rally sa General Trias noong Biyernes ay binayaran ng tig-₱500.

Hindi naman niya binanggit kung sinong kandidato ngunit nitong Biyernes nagsagawa ng grand rally sa General Trias Cavite ang tandem nina presidential aspirant Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan na dinaluhan ng mahigit 45,000 na kakampinks o mga taga suporta nila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/06/tig-%e2%82%b1500-boying-remulla-sinabing-hakot-at-bayad-ang-mga-dumalo-sa-isang-campaign-rally/

Ayon pa kay Gracio, "Pagkatapos ng eleksiyon, dapat magtayo ng people's councils sa Cavite para patalsikin ang mga trapo sa probinsiya."

Sa hiwalay na tweet, sinabi ni Gracio na sanay umano ang mga trapo na binabayaran at hinahakot ang mga tao tuwing eleksyon.

https://twitter.com/JerryGracio/status/1500267354583748609

"Sanay ang mga trapo na binabayaran at hinahakot ang mga tao tuwing eleksiyon. Kaya di sila makapaniwala na may mga tao na nagpupunta sa rallies, gumagastos ng sarili nilang pera, at nag-aambag sa kampanya," aniya.

Patutsada pa niya, "Sampal sa mga trapo ang katotohanan na di lahat kayang bilhin ng pera."

Si Jerry Gracio ay certified kakampink o taga suporta ni Vice President Leni Robredo.