Hiniling ni Senador Grace Poe sa isang water concessionaire gawing maayos ang serbisyo ng tubigmataposkaltasin na ang 12-porsyentong value-added tax (VAT) sabill ng tubig ng mga konsyumer.

"Ang halagang matitipid dito ay mapupunta sa kanilang pagkain,pangangailangan sa bahay at pagbabayad ng lumobong utang," ayon sa senador.

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)Regulatory Office na ang pagtanggal sa 12-porsyentong VAT sa tubig at waste water services ay nakapaloob sa Republic Acts No. 11600 at11601 na nagbigay ng prangkisa sa Maynilad Water Services Inc. atManila Water Co. Inc. para magtatag, mamahala at magpanatili ngwaterworks system, imburnal at sanitasyon sa kanilang mgasineserbisyuhang lugar.

Ayon pa sa ahensiya, maaasahan ang pagtanggal sa VAT sa bill ng tubigumpisa Marso 21, 2022.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nanawagan din ang senador sa MWSS na patuloy na tiyaking susunod ang mgadistributor ng tubig sa concession agreement para sa tuluy-tuloy naserbisyo, lalo na sa tag-init.