Nagsimula nang uminit ang pulitika sa Quezon City matapos kasuhan ni incumbent City Mayor Joy Belmonte ng cyber libel si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor.

Ang kaso ay isinampa ng alkalde noong Pebrero 24, gayunman, isinapubliko lamag ito nitong Huwebes.

Sa kanyang complaint affidavit, binanggit ni Belmonte na nag-ugat ang demanda sa mga akusasyon umano ni Defensor na ipinost pa sa social media. Paliwanag ng alkalde, "lumagpas na si Defensor sa hangganan" ng kalayaan sa pagpapahayag.

Aniya, "libelous, mali, may masamang hangarin at mapanlinlang" umano ang dalawang Facebook posts ni Defensor na hindi dapat balewalain.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sa unang post umano ni Defensor, pinaratangan nito ang alkalde na bumuo ito ng grupo upang magtanggal ng mga campaign materials nito. Si Defensor ay kumakandidato rin sa pagka-alkalde ng lungsod.

Pinaratangan din umano siya ni Defensor na, "mapanghati, mapanira, kasuka-suka, at kapit-tuko sa kapangyarihan.”

Sa ikalawang social media post ni Defensor, sinabi umano nito na isang empleyado ng city hall ang nakatakdang maghain ng kasong plunder laban sa alkalde dahil sa "overpriced ayuda."

“I don’t usually look at Facebook pages, especially if I know that they would be of no use or benefit. In truth, as soon as he [Defensor] decided to run for Mayor, we already knew that he would engage in the kind of behavior he is now displaying,” pagpapaliwanag pa ni Belmonte.

Aaron Dioquino