PILAR, Bataan – Sinabi ng kandidato sa pagkapangulo at alkalde ng Maynila na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi siya interesadong buhayin ang kontrobersyal na Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Sa kanyang pagbisita sa Bataan nitong Miyerkules, Marso 2, sinabi ni Domagoso na mas nais niyang isulong ang renewable energy at natural gas bilang alternative power sources kaysa nuclear power.

“Well, I don’t think that the Bataan Nuclear Power Plant today is suitable for power generation. They have to permanently close it down. Wala na ‘yan, hindi na ‘yan safe para sa mga tao. Hindi ‘yan safe para sa mga tiga-Bataan,” ani Domagoso sa midya.

“Sa ngayon maraming other sources of energy – renewable, gas, or coal. Hangga’t mayrong teknolohiya at etong mga teknolohiyang eto na available and cost much less. I’m not saying it’s not harmful, but less ang masamang epekto sa kapaligiran, ‘yun muna ang ipaprayoridad ko,” paliwanag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binanggit din ni Domagoso na gusto niyang kopyahin ang ginawa ng Netherlands dahil kadalasan ay gumagawa ito ng kuryente mula sa renewable sources tulad ng hangin, solar energy, at biomass.

“So, hanggang may option [hindi] dapat masyadong ini-entertain ‘yung nuclear energy source. But just the same for the meantime etong Bataan Nuclear Power Plant ay hindi naman na to safe para sating mga kababayan dito sa Bataan,” sabi niya.

Jaleen Ramos