Wala raw pakialam ang showbiz columnist at certified Kakampink na si Ogie Diaz sa mga taong nanghihikayat na i-boycott o huwag tangkilikin ang kaniyang sariling YouTube channels, pati na rin ang Facebook account niya.

May mga nananawagan daw kasi ng boycott dahil sa pagiging Kakampink niya, tawag sa mga tagasuporta ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

"I-boycott daw ang YouTube channel at FB ko, dahil #kakampink daw ako. Gow! Hahaha! Gusto ko, happy kayo!" tweet ni Ogie nitong Pebrero 26, 2022 ng hapon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Twitter/Ogie Diaz

Trending si Ogie Diaz dahil sa pagho-host niya sa campaign rally ni VP Leni sa Iloilo City. Dito ay sinabi niya na noon daw ay raket talaga ng mga artista ang pag-eendorso ng mga kandidato, subalit ngayon daw ay ni singkong duling ay wala silang natanggap para sa pangangampanya kay VP Leni.

Natitiyak din daw niyang hindi 'hakot' ang mga dumalo sa naturang campaign rally dahil wala siyang nakitang mga dump truck sa labas ng venue, pagbibiro pa niya.

Dalawa ang YT channel ni Ogie. Isa na rito ang Ogie Diaz Showbiz Update kung saan tinatalakay nila ng co-hosts na kinabibilangan ni Mama Loi, at ang mga 'kachokaran' on the side na sina Dyosa Pockoh, Tita Jegs, at Ate Mrena, ang iba't ibang mga showbiz ganap. Ito ay may 630K subscribers.

Screengrab mula sa YT/Ogie Diaz Showbiz Update

Screengrab mula sa YT/Ogie Diaz Showbiz Update

Ang isa naman ay 'Ogie Diaz Inspires' na may 2.8M subscribers kung saan itinatampok niya ang iba't ibang personalidad sa isang panayam.