Isa ang celebrity manager na si Ogie Diaz sa higit 40,000 na naiulat na dumalo sa naganap na grand campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Iloilo City nitong Biyernes.

Dinumog ng mga tagasuporta ni Presidential candidate at Vice President Leni Robredo at kanyang running mate na si Senador Kiko Pangilinan ang kanilang Iloilo campaign nitong Pebrero 25, kasabay ng pagdiriwang ng ika-36 taon ng EDSA People Power Revolution.

Grand campaign rally ng Leni-Kiko tandem sa Iloilo City/Larawan mula Robredo People's Council

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dito ibinulgar ni Ogie na sa panahon ng eleksyon, tiba-tiba ang celebrities dahil “magaganda” lahat ng artista pagdating ng campaign season.

“Napakalaki po ng bayad ng artista pagdating ng kampanya, totoo ‘yan. Every three years po, kami ay nananagana sa kita dahil syempre ‘pag panahon ang eleksyon, aba, magaganda kami lahat d’yan, medyo paldo-paldo ang bulsa,” saad ni Ogie na nagsilbing host ng grand rally kasama ang aktres na si Lara Quigaman-Alacaraz.

“Pero sa pagkakataong ito, ni singkong duling, wala kaming tinanggap,” proud na sinabi ng showbiz columnist na naniniwala rin sa buhay na pagkakaisa at boluntirismo sa kampanya ni Robredo.

Matatandaang isinusulong ni Robredo ang people’s campaign kung saan naniniwala ang presidential aspirant na sa kabila ng kanyang kawalan ng makinarya at pera, ang “pinagbigkis na lakas” ng kanyang tagasuporta ang magiging tulay niya sa Malacanang.

“Ang importante sa amin, katulad ninyo na wala rin kayong tinanggap, tama? Walang nagabayad sa inyo, tama? Handa kayong kumalam ang sikmura ngayong araw, tama? Walang pakain ‘yan. Walang palugaw,” bulalas ni Ogie sa libu-libong Kakampinks sa Iloilo Sports Complex.

“Busog ang utak at puso para kay VP Leni at Kiko. Maraming-maraming salamat!” sabi ni Ogie.

Isa rin sa mga naging highlight ng campaign ang muling pagtugtog ni Eraserheads frontman na si Ely Buendia, kasama ang bandang Rivermaya.

Kabilang pa sa mga dumalong celebrities sa grand rally sina Rica Paralejo, Bituin Escalante, Cherry Pie Picache, Edu Manzano, Gabby Padilla, Gab Valenciano, Pipay, Juan Karlos, Gaia, bukod sa iba pa.