Tila "cancelled" agad sa ilang kakampinks o mga taga suporta ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang bandang Silent Sanctuary nang mapag-alaman na tutugtog umano ito sa Unity Concert ng UniTeam nina Presidential candidate Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sa Facebook post ng Silent Sanctuary, hindi nito binanggit na tutugtog sila sa Unity Concert kundi nag-aya lang sila na makipag-jamming sa kanilang followers.
"North peeps!!! Gusto nyo bang tumalon tumalon sa saya? Hahaha. Magkita kita tayong lahat sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Bayambang, Pangasinan on February 27, Sunday. Makisaya at maki-jam ulit samin! Let’s G!," anang Silent Sanctuary sa kanilang post nitong Huwebes, Pebrero 24.
Base sa poster at video ng BBM-Sara Uniteam FB page, na shinare ni Mayor Cezar Quiambao, nakatakda rin isagawa ang Unity Concert ng UniTeam sa Linggo, Pebrero 27 sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park sa Bayambang, Pangasinan.
Makikita sa poster ang larawan ng Silent Sanctuary, Aegis, at Avant Music.
Kaya't pinutakte ng ilang komento mula sa ilang netizens na nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya bukod sa tutugtog sa nasabing concert, at tila hindi transparent umano ang banda para kanino o para saan sila tutugtog.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
Samantala, wala pang pahayag ang Silent Sanctuary tungkol dito.