Tinuldukan ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang isyu tungkol sa "Isko-Sara" tandem. 

Nagpahayag muli ng katapatan si Duterte-Carpio sa kanyang running mate na si presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

“We stand firm in unity along with the entire senatorial slate of the UniTeam," ani Duterte-Carpio.

"We stand undivided and shall remain strong despite the proclamation of other tandems that single out either Marcos or Duterte as a candidate,” pagdedeklara pa ng vice presidential candidate.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa kanya ring Facebook post noong Miyerkules, Pebrero 23, sinabi niyang "one team" sila ni Marcos Jr.

"Bongbong Marcos and Sara Duterte was, is and will always be ONE team. Uniteam. Engaged to work for our country. Mahalin natin ang Pilipinas!" ani Duterte-Carpio.

Nitong nakaraang linggo, naging usap-usapan ang tungkol sa tandem nina Manila Mayor Isko Moreno at Sara Duterte-Carpio o tinatawag na "ISSA."

Sa Maguindanao, isinusulong ng mga kilalang Mangudadatu sa Maguindanao ang tandem nina Isko at Sara kung saan nakitang nakasakay si Isko sa isang sasakyan na may tarpaulin ng Isko-Sara tandem.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/20/ka-issa-mga-mangudadatu-isinusulong-ang-isko-sara-tandem-sa-maguindanao/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/20/ka-issa-mga-mangudadatu-isinusulong-ang-isko-sara-tandem-sa-maguindanao/

Samantala, nagsalita na rin ang running mate ni Moreno na si vice presidential candidate Doc Willie Ong nito lamang Pebrero 21.

“Salamat kay Mayor Isko pinili niya ako, nakatakbo tayo bilang vice president pero ngayon na sa akin na yung bola eh. So tuluy-tuloy tayo hanggang May 9, walang atrasan ‘to,” ani Ong.

“Wala akong galit sa puso ko kasi hindi siya makakatulong eh,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/21/doc-willie-ong-wala-akong-galit-sa-puso-ko/