Pansamantalang inihinto muna ng Pamahalaang Lokal ng Valenzuela City ang pagbabakuna ng1stdose ng COVID-19 vaccine sa mga 5-11 age group, matapos maubusan ng Pfizer brand.

Ayon sa lokal na pamahalaan, napilitan silang ihinto ang pagbabakuna sa mga nasabing edad dahilinaantay pa nila ang pagdating ng karagdagang suplay.

Sa pahayag ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU), mulingmagbibigay ng vaccination appointmentsang Valenzuela City Vaccination (VAVAx) staff sa sandaling dumating na ang suplay ng bakunang Pfizer.

Pero nilinaw ng CESU na hindi ihihinto angbakunahan sa mga itinalagang vaccination sites, dahil magpapatuloy ang 2nddose vaccination para sa 5-11 age group na tumanggap na ng 1stdose.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

Hindi rin ihihinto ang pagbabakuna ng 1stdose at 2nddose sa mga 12-17 taon gulang, kasama na ang 1stdose at 2nddose at booster sa mga edad 18 pataas, kabilang na dito ang mga senior citizens.

Nagpaalala din ang lokal na pamahalaan sa mga hindi pa nagpapabakuna na magpa-schedule na o magpa-rehistro kahit pa isailalim sa alert level 1 ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, dahil ito ang kanilang magiging proteksyon sa nasabing nakamamatay na sakit.