Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng isang presidential debate sa Marso 19, kaugnay ng eleksyong idadaossa Mayo 9, 2022.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi nila bibigyan ng advance na katanungan ang mga kandidato at hindi rin sila papayagang magdala ng anuman sa podium.

Tatlong debate ang iisponsoranng Comelec.

Una nang sinabi ni Jimenez na hindi inoobliga ng batas ang pakikilahok ng isang kandidato sa mga pampublikong debate.

Hindi rin aniya maaaring obligahin ng Comelec ang mga kandidato na magpakita o lumahok sa debate.

Gayunman, ang podium na nakatalaga para sa kandidato ay iiwanang bakante ng Comelec upang ma-highlight ang hindi nito pakikilahok.

Sinabi pa ni Jimenez na ang desisyon ng ilang kandidato na hindi sumali sa mga pre-election forums ay maaaring magsilbi bilang ‘red flag’ sa mga botante.

Inaasahang dadaluhan ito ng lahat ng 10 kandidato sa pagka-Pangulo na kinabibilangan nina Presidential spokesman Ernesto Abella, Labor leader Leody de Guzman, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, dating Defense chief Norberto Gonzales, Senator Ping Lacson, Faisal Mangondato, dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Jose Montemayor Jr., Senator Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo.