Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang pagpapatupad ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi sa paggunita ng ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Biyernes, Pebrero 25, na isang special non-working holiday.
Ibig sabihin, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 9 at 0 na sakop ng coding tuwing Biyernes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila sa coding hours.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na mag-ingat at planuhin ang kanilang biyahe upang hindi maabala.
Wala pang pahayag ang MMDA kung magkakaroon ng road closures upang bigyang-daan ang selebrasyon