Nanawagan si Megastar Sharon Cuneta sa gobyerno para sa agarang pagpapalaya kay Senator Leila De Lima na nasa ikalimang taon na sa pagkakakulong sa Camp Crame dahil sa dahil sa umano'y pagkakasangkot sa paglaganap ng iligal na droga sa National Bilibid Prison.
Ginawa ng aktres ang panawagan matapos sumama sa political rally ni presidential candidate Vice President Leni Robredo at asawa nitong si Senador Francis Pangilinan na tumatakbo sa pagka-bise presidente sa Tarlac City.
“We really miss you out here. We need you more out here. You can do so much more out here. And we keep praying that you be allowed out soon or that you are out, somehow by God’s grace and never-ending mercy,” ayon sa aktres.
Si De Lima na tumatakbo muli sa pagka-senador ay kinakatawan ni Atty. Philip Sawali sa Tarlac City habang si Robredo naman ay kinakatawan ng anak nitong si Jillian, at si Laya Diokno naman ang kumakatawan sa amang si Atty. Chel Diokno na kumakandidato sa pagka-senador.
“We haven’t forgotten about you (De Lima). Frankie and I adore youand pray for you, and you are so courageous and inspiring and youshould not be in there, I keep praying for you, Senator Leila and Ihope to give you a big hug when I see you finally. Hopefully soonerthan we all expect. Frankie and I love you. God Bless you po!” ayon pa sa aktres sa kanyang video message.