Dumating na sa bansa ang 300 metriko toneladang bigas mula sa Japan para sa mga naapektuhan ng bagyong 'Odette' sa Visayas at Mindanao.
Ito ang kinumpirma ni National Food Authority (NFA) Administrator Judy Carol Dansal at sinabing sinalubong niya ito nitong Lunes, kasama si Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko.
Ang pagbibigay ng tulong ay isinagawa alinsunod na rin saAsean Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) initiative.
Nakatakdang ipamahagi ang nasabing tulong sa Cebu, Bohol at Surigao del Norte.
Nakaimbak na ang daan-daang toneladang bigas sa NFA warehouse sa Valenzuela City at hinihintay na lamang ang go-signal ng APTERR upang maipadala ito sa mga biktima ng bagyong 'Odette' na tumama sa bansa noong Disyembre 16 ng nakaraang taon.
“We hope these tons of rice will be delivered soon to nourish typhoon affected families,” ayon sa kanya.
PNA