Sumugod ang iba't ibang militanteng grupo sa harap ng tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) nitong Miyerkules upang tutulan ang kandidatura ni Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa pagka-pangulo.

Ang kilos-protesta ay pinamunuan ng Campaign Against the Return of Marcoses and Martial Law (CARMMA).

Lumahok din sa protesta ang mga kasapi ngKABATAAN-NUSP, AKKMA, Sining Laya, at Anakbayan-NCR.

Iginiit ni CARMMA-NCR Spokesperson Louie Santos, hindi dapat makabalik sa Malacañang ang mga Marcos.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Naniniwala tayo na matalino naman 'yung ating mamamayan. Matalino ang mga botante at makikita naman nila na hindi qualified si Bongbong Marcos na maging presidente ng ating bansa. Kaya naniniwala tayo na malakas ang ating laban upang mapigilan ang pagbabalik ni Marcos sa Malacañang," pahayag ni Santos.

Tampok sa programa ng mga ito ang pagtitirik ng kandila bilang paggunita rin sa diwa ng EDSA. "Iyon naman ang pagkakaisa ng mamamayan laban sa isang diktador na si Marcos na kinakatawan ngayon ng kanyang anak na si Bongbong Marcos," sabi pa nito.