Suportado ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang tambalan nina dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa May 9, 2022 national elections.
Si Marcos ay kumakandidato sa pagka-pangulo habang si Duterte-Carpio naman ay tumatakbo sa pagka-bise presidente.
Ayon kay Zamora, si Marcos ay isang San Juaneño dahil nanirahan siya sa lungsod mula ng siya ay ipanganak hanggang sa maging pangulo ang kanyang amang si dating Pang. Ferdinand Marcos Sr.
“I asked him if I could introduce San Juan as his second home. He told me, 'Mayor, San Juan is not my second home, it is my first home because from the day I was born until we moved to Malacañang, I lived in San Juan.' That matters a lot to me. If he will win, his 6 years as president will be with my remaining 6 years as mayor if I will indeed win a 2nd and 3rd term," ani Zamora, sa isang panayam sa ANC Headstart nitong Martes, Pebrero 22.
“I'm looking at the present and the future of my city. Again, as mayor, I should not only look at myself,” aniya pa.
Samantala, sinabi rin ng alkalde na si Duterte ay itinuturing niyang isang mabuting kaibigan.
Idinagdag pa ng alkalde na nakita niya kung paano magtrabaho si Duterte bilang alkalde at mahalaga rin para sa kanya kung paano sinuportahan ng ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte ang San Juan sa panahon ng pandemya.
“I've seen how she works as mayor. I’ve seen how she has handled Davao City. It also matters how her father President Duterte has supported San Juan during the pandemic,” paliwanag pa niya.
Pagdating naman sa lokal na pulitika, sinabi ni Zamora na siya ang campaign manager ng kanyang partido.
Ani Zamora, target nila na makakuha ng ‘15-0 victory’ para sa pagpapatuloy ng kanilang mga nasimulang programa sa lungsod.