Sinabi ni Gen. Dionardo Carlos, hepe ng Philippine National Police (PNP), nitong Martes, Pebrero 22, na ang deployment ng helicopter na pag-aari ng pulis para siya’y sunduin sa Balesin ay pinayagan at sumunod sa mga alituntunin at regulasyon ng organisasyon.
“I regret that the accident happened and never wish harm to my personnel nor losses to the organization. Rest assured that a thorough investigation is being undertaken,” ani Carlos sa isang pahayag.
Binabatikos ang Chief PNP kaugnay ng kaangkupan ng pagpapadala ng PNP chopper sa Balesin, isang high-end at exclusive island resort sa Quezon.
Kinumpirma ni Carlos na siya nga ay nasa Balesin kung saan siya tumira matapos siyang dumalo sa Philippine Military Academy (PMA) Homecoming sa Baguio City kung saan ginawaran siya ng Outstanding Achievement Award noong Sabado, Peb. 19.
“The following day, Sunday afternoon I traveled to Balesin island for private time and scheduled to return Monday morning via private transport,” ani Carlos.
“However, I was informed that due to unforeseen circumstances, said private transport would only be available in the evening of Monday,” dagdag ng hepe.
Ayon kay Carlos, ito ang nag-udyok sa kanya na humiling ng administrative flight para ihatid siya pabalik sa Camp Crame sa Quezon City, Lunes ng umaga.
Ang chopper ng PNP na susundo sana kay Carlos ay bumagsak sa bayan Real, Quezon dalawang oras matapos itong lumipad sa Pasay City.
Isang police crew ang namatay habang ang dalawang police pilot ay malubhang nasugatan.
Ipinagtanggol ni Interior Secretary Eduardo Año si Carlos at sinabing ang deployment ng chopper ay bahagi ng isang official mission upang gampanan ng Chief PNP ang kanyang mga tungkulin.
Aaron Recuenco