Ayaw umanong mapahiya ng campaign manager ni aspiring President at Manila Mayor Isko Moreno ang ka-tandem ng kanyang manok na si Vice Presidential candidate Doc Willie Ong kaya’t pinigilan nitong sumama sa kampanya sa Mindanao.

Inako ni Lito Banayo ang naging pasya ng kampo ni Domagoso na hindi isama sa nagpapatuloy na campaign sorties ni Domagoso sa Mindanao ang ka-tandem nitong si Ong. Aniya, ilang araw bago ang nakatakdang kampanya, ilang tagasuporta ni Domagoso ang nagsabing pinares kay Davao City Mayor Sara Duterte si Domagoso.

"That was my call. That was my decision. Kasi nga, whenever you make sorties or campaign trips, you send an advance team, normally, four or 5 days beforehand, even a week beforehand. They called me up and they said, 'Boss, puro streamers dito, Isko-Sara,' tarpaulins, puro Isko-Sara," ani Banayo sa isang panayam sa ANC nitong Martes, Pebrero 22.

"So I called up Doc Willie, and I said, Doc, baka mas mabuti po 'wag kayong sumama sa Mindanao kasi i don't want to put you in an embarrassing situation where 'yung mga tarpaulins doon is Isko-Sara," dagdag na paliwanag ni Banayo.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Nilinaw din ng campaign manager na bagaman si Duterte pa rin ang ini-endorsong vice presidential candidate ng ilang taga-Maguindanao, nananatiling si Ong ang sinusuportahan ni Domagoso.

"He did not say he was supporting Sara at all. He didn't say that at all. Pero doon kasi sa Maguindanao and Sultan Kudarat, wala rin naman silang sinabi, 'yung mga speaker, 'yung major power blocs, wala din naman silang sinabi na Isko-Sara," ani Banayo.

Basahin: Doc Willie Ong: ‘Wala akong galit sa puso ko’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ito ang pahayag ng kampo ni Domagoso matapos aminin ni Ong nitong gabi ng Lunes, Pebrero 21 na siya’y nasaktan nang tanggihang makasama sa campaign events ni Domagoso sa Mindanao.

“So nung ginawa nila yun, syempre na-hurt ako. Masakit yun eh. Pero hindi ko na iniisip eh, bahala na yung tao. Wala naman akong kasalanan,. I’ll just do it straight,”ani Ong.

“Salamat kay Mayor Isko pinili niya ako, nakatakbo tayo bilang vice president pero ngayon na sa akin na yung bola eh. So tuluy-tuloy tayo hanggang May 9, walang atrasan ‘to,” dagdag ng doctor-turned-politician.

Matatandaan nitong Linggo, Pebrero 20, nagtungo si Domagoso sa Maguindanao kung saan naiulat pang nakasama ito sa isang event na inorganisa ni Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu.

Isinusulong ng mga Mangudadatu ang Isko-Sara o ISSA tandem sa paniniwalang sila ang magpapatuloy sa nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.