Matapos ang halos 10 taon, nabawi rin ng pulisya ang isang kotse na ninakaw sa Quezon City matapos maaktuhang ginagamit ito ng isang pulis sa Laguna nitong Linggo ng gabi.

Nasa kustodiya na ng IntegrityMonitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame siPolice Chief Master Sergeant Allan Casanas.

Si Casanas ay naharang ng mga tauhan ng IMEG habang minamaneho nito ang nakaw na Toyota Innova saChipeco Avenue, Barangay Halang, Calamba City, dakong 7:20 ng gabi.

Bago inaresto, hiningan muna ng papeles ng kotse si Casanas, gayunman, wala itong naiharap sa mga pulis.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Ang nasabing sasakyan na naiulat na pag-aari ng isang Jeanet Gisalan, taga-Malate sa Maynila, ay tinangay habang nakaparada umano ito sa Brgy.South Triangle, Quezon City noong Agosto 28, 2012.

Tiniyak naman niPNP chief Gen. Dionardo Carlos na makakasuhan ng kriminal at administratibo si Casanas.

Aaron Recuenco