Matapos 'katakutan', igalang, at makuha ang paghanga ng publiko, ano kaya ang reaksyon dito ng University of the Philippines (UP) professor na si Prof. Clarita Carlos?

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/kilalanin-sino-nga-ba-si-professor-clarita-carlos/">https://balita.net.ph/2022/02/17/kilalanin-sino-nga-ba-si-professor-clarita-carlos/

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP si Prof. Carlos dahil hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin humuhupa ang pagiging trending niya dahil sa husay at 'bangis' na ipinakita niya sa presidential debate na idinaos ng Sonshine Media Network International (SMNI) noong Pebrero 15, 2022 sa Okada Manila.

Ang apat na presidential candidates na kumasa sa hamon ay sina Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., Norberto Gonzales, Ernesto Abella, at Leody de Guzman.

"My conduct there [presidential debate] is no different from my conduct in my classes for the past fifty-five years and counting… saad ni Prof. Carlos.

"I have a boring life so those good words are okay, and not good words, too… par for the course."

Dahil sa kaniyang apila sa mga presidential candidates tungkol sa pag-iinvest sa mga guro kung sakaling manalo sila, nananawagan din ang publiko na sana raw ay magkaroon siya ng puwesto sa gabinete ng susunod na magiging pangulo, partikular sa Department of Education (DepEd), o kaya raw ay sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Hiling din ng publiko, sana raw ay isama ang propesora sa opisyal na debate na ilulunsad ng Commission on Elections o Comelec.

Magkakaroon daw ng final round ang naturang presidential debate sa Marso 26. Natanong din siya kung makakasama pa siya rito.

"Don’t know yet," sagot umano ng propesora.

Kung mangyayari daw na mapasama pa si Prof. Carlos sa final round ng SMNI presidential debate, sana raw ay makasama na ang apat na kandidatong hindi nakadalo rito, gaya nina Manila City Mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso, Senador Manny Pacquiao, Senador Ping Lacson, at Vice President Leni Robredo.