Inatasan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang lahat ng tauhan ng kampo sa buong bansa na ihinto ang pakikialam sa anumang aktibidad sa pulitika matapos ang viral post sa social media na nagsalaysay ng engkwentro ng isang tagasuporta ni Vice President Leni Robredo sa isang opisyal ng militar sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

“If your car has a ribbon representing the color of a candidate or a sticker of a candidate that you support and you come inside any camp without violating regulations, that’s fine,” ani Lorenzana nitong Sabado ng gabi, Pebrero 19.

“I have directed the commanders to implement this policy strictly,” idinagdag niya.

Nag-ugat ang isyu sa isang post sa Facebook ng isang tagasuporta ni Robredo, na tumatakbong presidente sa halalan sa Mayo, matapos itong harapin ng isang opisyal ng militar sa Camp Aguinaldo Golf Course sa loob ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP). .

Ang tagasuporta ni Robredo ay pawang isang digital marketing executive, ay pumunta sa Camp Aguinaldo Golf Course upang maglaro noong Biyernes nang siya ay harangin sa gate ng isang opisyal ng militar.

Sinita umano siya ng opisyal dahil may dalang pink ribbon ang kanyang sasakyan, isang kulay na nauugnay sa kampanya ni Robredo.

“Walang ribbon dito,” aroganteng tugon daw ng militar ayon sa salaysay ng tagasuporta ni Robredo.

Hiniling umano ng opisyal ng militar sa tagasuporta ni Robredo na putulin ang laso na nakatali sa kanyang wind shield bago siya pinayagang makapasok sa lugar ng kampo.

“Tama pa ba ito? Okay pa ba kayo? Or takot na takot na?” tanong ng tagasuporta ni Robredo.

Muling iginiit ni Lorenzana na ang lahat ng tauhan ng militar ay hindi dapat isangkot ang kanilang mga sarili sa anumang aktibidad sa pulitika, pabor man ito o laban sa isang kandidato.

“We have no business whatsoever what people put in their cars or what to wear for as long as they do not violate camp regulations,” ani Lorenzana. 

Martin Sadongdong